Paano ka makakatulog ? Iniwan man ng mga palad mo ang pala , Martilyo , tubo’t kawad at iba pang kasangkapan , Alas-singko’y hindi naging hudyat upang Umibis ang graba’t semento sa iyong hininga . Sa karimlan mo nga lamang maaaring ihabilin Ang kirot at silakbo ng iyong himaymay: Mga lintos , galos , hiwa ng daliri braso’t utak Kapag binabanig na ang kapirasong playwud , Mga kusot o supot-semento sa ulilang ... |